Issues & Concerns

Issues & Concerns

The Sierra Madre is the sanctuary of Life...
Save Sierra Madre! Save countless lives!

Unified Statement of Opposition
by Indigenous Peoples to the Planned Dams in Sierra Madre

Statement of Opposition
by SSMNAI to the Planned Dams in Sierra Madre

Legal Issues
(National and International)

SSMNAI's
Position Paper

Unified Statement of Opposition by Indigenous Peoples to the Planned Dams in Sierra Madre

Kaming mga dumalo sa Malawakang Pagpupulong ng mga Katutubo mula sa Bulacan, Quezon at Rizal hinggil sa Tubig-Kanlungan ng Kaliwa-Kanan at Ilog Agos simula pa noong Abril 23, 2013 ay tahasang nagpapahayag ng pagtutol sa lahat ng mga proyektong makakasira sa mga likas na yaman ng tubig-kanlungan ng Kaliwa-Kanan at Ilog Agos, partikular sa itatayong mga dambuhalang dam sa kabundukan ng Sierra Madre na napapaloob sa “New Centennial Water Supply Source Project” na ang pangunahing bahagi ay ang Laiban Dam sa ilalim ng Public-Private Partnership Program ng kasalukuyang Administrasyong Aquino; gayundin, sa Multi-River Hydropower cum Bulk Water Project ng Sierra Madre Water Corporation na planong itayo sa nasasakop ng Laguna at Quezon.

Ang aming mga kadahilanan sa tahasang pagtutol sa mga itatayong dam ay bunga ng masusing pag-aaral at pag-uusap sa loob ng dalawang araw:

Reason
Ayon sa batas IPRA na nagsasaad ng pangangailangan ng FPIC ay may karapatan kaming tumutol sa mga proyektong ito. Ang mga proyektong nabanggit ay hindi dumaan sa tamang proseso ng FPIC.
Reason
Napapaloob ang mga lugar na pagtatayuan ng mga ito sa aming lupaing ninuno, na kung saan ay makikilala ang aming katutubong kultura at tradisyon (sagradong lugar, botika, palengke at aklatan ng aming buhay) at ang mga ito ay nakakaapekto sa tahimik at mapayapa naming pamumuhay.
Reason
Ang lugar na paglilipatan sa amin ay hindi angkop sa aming kultura at pamamaraan ng pamumuhay na nakaugat at malalim na nakaugnay sa kalikasan.
Reason
Ang mga proyektong ito ay hindi makakalikasan, kundi makakapinsala sa sistemang ekolohikal at kikitil sa samu’t saring buhay
Reason
Hindi sustenable ang mga proyektong ito. Hindi nito isinasaalang-alang ang buhay ng susunod na henerasyon. Ang proyektong ito ay hindi magdadala ng tunay na kaunlaran kundi lalong mababaon sa utang ang ating bansa
Reason
Makapipinsala rin ito sa mga sakahan sa mga pamayanan sa kapatagan at—
Reason
Ang mga lugar na pagtatayuan ng mga dams ay nasa aktibong earthquake fault lines.

Unified Statement of Opposition
by Indigenous Peoples to the Planned Dams in Sierra Madre

Statement of Opposition
by SSMNAI to the Planned Dams in Sierra Madre

Legal Issues
(National and International)

SSMNAI's
Position Paper

Statement of Opposition
by SSMNAI to the Planned Dams in Sierra Madre

SSMNAI Image

Ipinagkatiwala sa tao ng Dakilang Maylikha na pangalagaan ang Inang Kalikasan at ang kanyang mga likas yaman. Ngunit taliwas ang tugon dito ng marami pa sa atin. Kung kaya’t ang mundo ngayon ay nahaharap na sa mga matitinding krisis pang-ekolohikal lalo na sa usaping klima. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagsira at pagwasak kay Inang Kalikasan at paggamit sa kanyang mga likas-yaman bilang commodity lalo na ng mga pribadong korporasyon na kita lamang ang pangunahin sa isipan.

SSMNAI Image

Ang Sierra Madre na kanlungan ng buhay ng halos kabuuan ng Luzon ay patuloy na nakakaranas ng pagkasira at pagkawasak. Isa sa mga kasalukuyang pinapasang KRUS ng SIERRA MADRE ang kapanga-pangambang mga itinatayong/itatayong dams sa Rizal, Quezon at Laguna - pangunahin dito ang New Centennial Water Source Project na bubuuin ng Kaliwa Dam (Pagsangahan, Gen. Nakar, Quezon) na inaprubahan ng dating Pangulong Aquino at Laiban Dam (Tanay, Rizal at Gen. Nakar, Quezon); gayundin ang muling pagbuhay ng proyektong Kanan Dam at dagdag pang pinaplanong itatayong Agos Dam at Sumag Diversion Project (lahat ng ito sa Gen. Nakar, Quezon). Nariyan din ang Sierra Madre Water Corp. Multi-River Hydropower cum Bulk-Water Project na kukuha ng tubig sa mga ilog ng bayan ng Real, Quezon at mga bayan ng Pangil, Pakil at Paete, Laguna. Lahat ng mga nabanggit na dam ay itinatayo/planong itayo para magpadaloy ng karagdagang tubig sa Kalakhang Maynila.

Bilang mga kamanlilikha ng Dakilang Maylikha at katiwala ng handog Niyang buhay, ipinahahayag namin ang aming mariing pagtutol higit sa lahat sa New Centennial Water Source Project na binubuo ng Kaliwa Dam at Laiban Dam at itatayo sa loob ng Kaliwa Watershed, sa mga sumusunod na kadahilanan:

Public-Private Partnership

+

Ang Public-Private Partnership ay isang di makatarungang sistema dahil sa likod nito ay ang katotohanan ang mga pribadong korporasyon lamang ang nakikinabang dito. Tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay ng maayos na serbisyong pampubliko gaya ng tubig. Hindi ito dapat ipinapasa sa mga pribadong korporasyon na ang pangunahing interes ay hindi ang makapagbigay ng maayos at makatarungang serbisyo sa mamamayan kundi ang kumita ng mas marami at mas malaki.

Isyung Pang-Ekonomiya

+

Hindi makabubuti para sa ekonomiya ng bansa ang pagtatayo ng mga dambuhalang dam. Ayon sa mga dalubhasa mula sa Oxford University, base sa kanilang 4 na taong komprehensibong pag-aaral at pagtatasa ng 245 na naitayo nang mga dambuhalang dam mula 1934 hanggang 2007 sa 65 na bansa, umaabot sa 96% ang average cost overruns at 44% naman ang average delay ng pagtatayo at implementasyon.

Ang pagtatayo ng mga panibagong dam ay hindi makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, bagkus lalo lamang nito palulubugin sa utang ang ating bansa.

Usaping Pangkalikasan, Pangkalusugan at Seguridad sa Pagkain

+

Ang nabanggit na proyekto ay nagbabadya ng panganib sa mayaman pang sistemang ekolohikal sa loob ng Kaliwa Watershed na binubuo ng 103 hektaryang mossy forest at 2,479 hektaryang primary forest, tahanan ng 126 uri ng hayop, 53% nito o 67 uri ay tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan, gaya ng Philippine Brown Deer (Cervus Marianus) at 12 uri naman ang tanging sa isla ng Luzon lamang matatagpuan gaya ng Luzon Bearded Wild Pigs (Sus Philippensis)

Sisirain ng proyektong ito ang natural na sistema ng Kaliwa River at makakaapekto ito sa kakayahan ng nabanggit na ilog na magpadaloy ng mga pangunahing ekolohikal na serbisyo nito. Ang pagbabago at paghina ng natural na daloy ng ilog na magiging sanhi ng pagtatayo ng nasabing proyekto ay magsasanhi naman ng pagtaas ng insidente ng malaria at iba pang mga insect-borne diseases.

Magsasanhi din ang proyekto ng pagkasira ng sistemang ekolohikal sa mga bayan ng Metro Reina (General Nakar, Real and Infanta), Quezon, gaya ng mahigit kumulang na 3,000 hektaryang mangrove fish sanctuary at farm irrigation; ganito rin ang mangyayari sa sistemang ekolohikal sa bayan ng Tanay, Rizal at mga karatig nitong bayan. Samakatuwid, ang proyekto ay nagbabadya ng kawalan ng kaseguruhan sa pagkain

Sa karagdagang pagkawala ng 37,700 hektarya ng natitira pang forest cover ng bansa - 9,700 hektarya na palulubugin ng 60 metrong taas na Kaliwa Dam at 28,000 hektaryang palulubugin ng 113 metrong taas na Laiban Dam, lalong ilalagay ng proyekto sa panganib ang Kalakhang Maynila mula sa mas malulubhang pagbaha at mas labis na polusyon sa hangin. Lalo rin nitong paiigtingin ang nararanasan nating mga epekto ng global warming at climate change.

Unified Statement of Opposition
by Indigenous Peoples to the Planned Dams in Sierra Madre

Statement of Opposition
by SSMNAI to the Planned Dams in Sierra Madre

Legal Issues
(National and International)

SSMNAI's
Position Paper

SSMNAI's Position Paper

We, the members of Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNAI), who envision a community of stewards and Co-Creators of a Loving Creator to all of creation, in particular to Sierra Madre and commit ourselves to the present and future generations that we will: (1) Co-exist harmoniously with all creatures, living things and all elements of nature; (2) Care and protect our natural environment particularly within Sierra Madre; (3) Advance consciousness among local communities and all Sierra Madre stakeholders of our being stewards and co-creators of a loving Creator; and (4) Strengthen the commitment of local communities and all Sierra Madre stakeholders in maintaining the balance of nature, strongly opposed all destructive development projects, especially the construction of new mega-dams, within the Sierra Madre. We particularly express our strong opposition to the New Centennial Water Source Project under the Public-Private Partnership (PPP) Program of the present Administration of President Aquino which includes the construction of Kaliwa Dam to be constructed in Kaliwa River, Barangay Pagsangahan, General Nakar, Quezon which was hastily issued an Environmental Compliance Certificate by the National Economic Development Authority (NEDA) on May 29, 2014 and Laiban Dam which is proposed to be constructed in Kaliwa River, Barangay Laiban, Tanay, Rizal.

SSMNAI's Position Paper on Water Crisis